CAGAYAN DE ORO CITY – Isinailalim sa internal contact tracing ang mga health authorities ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) ang referral hospital para sa mga coronavirus cases.
Ito’y matapos malaman na ama ng isang doktor na nagtatrabaHo sa nasabing bahay-pagamutan ang ikalawang pasyente na nagpositibo sa Coronavirus disease (COVID-19).
At dahil dito, malaki ang posibilidad na isailalim sa quarantine ang ilang mga hospital staff member na nakasalamuha ng nasabing doktor.
Galing sa Maria Reyna-Xavier University Hospital ang pasyente na taga Marawi City bago ito inilipat sa NMMC matapos magpositibo sa virus.
Napag-alamang ang pasyente ay may iniindang dalawang chronic disease na kinabibilangan ng diabetic at kidney problems.
Una nang kinumpirma ni City Mayor Oscar Moreno na umakyat na sa dalawang COVID-19 positive patients ang naka-confine sa NMMC na kapwa taga Lanao del Sur.