-- Advertisements --

Inaresto ng mga kawani ng Criminal Investigation and Detection Group ang alkalde ng Maguindanao del Sur at asawa nito dahil sa pagkakasangkot sa pag ambush-patay kay South Upi vice mayor Roldan Benito at mga security aide nito.

Ayon kay CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III , ang mag-asawa ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Cotabato City court .

Ito ay para sa kasong murder, attempted murder at frustrated murder na naganap noong August 2 ng nakalipas na taon.

Ayon kay Torre, ang mag-asawa ay kinasuhan batay sa naging resulta ng malalimang imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot nito bilang utak sa pagpaplano at pagsasagawa ng ambush at pagpatay.

Kabilang sa nasawi ay si Benito at ang kanyang security aide na si Weng Marcos habang sugatan naman ang asawa ni Benito na si Analyn at ang kanyang 11 anyos na anak.

Kasama rin sa kinasuhan ang sampung indibidwal na sinasabing may kinalaman sa naturang pag-atake.