Nagsagawa na ng disinfection sa municipal hall ng bayan ng Asturias, Cebu matapos magpositibo sa COVID-19 si Mayor Anto Pintor sa inilabas na resulta ng kanyang swab test.
Una rito, sumailalim sa swab test noong Agosto 19 si Pintor at ang asawa nito matapos nagpapakita ng mga sintomas sa nasabing virus.
Lumabas ang resulta nito noong Agosto 20 na nagpositibo ang alkalde sa swab test habang negatibo naman ang kanyang asawa sa SARS-CoV-2.
Dahil dito, agad na ini-isolate ang mga nakasalamuha nito.
Nananatili nama umanong stable ang kondisyon ni Pintor ngunit inilipat ito sa isang ospital para sa ‘proper monitoring’.
Si Pintor na ang ikaanim na alkalde sa buong isla ng Cebu na nahawaan ng COVID-19.
Kung maaalala, kabilang din sa mga nagpositibong mga alkalde sina Lapu-Lapu City Mayor Junard Ahong Chan, Daanbantayan Mayor Sun Shimura at Barili Mayor Marlon Garcia.