Nagsampa ng opisyal na reklamo ang Algerian Football Federation (FAF) sa FIFA kaugnay ng umano’y hindi patas na pamumuno ng referee sa kanilang laban kontra Argentina sa 2026 FIFA World Cup.
Ayon sa ulat, tinutulan ng Algeria ang hindi pagbigay ng parusa kay Lionel Messi matapos tumapak sa binti ng team captain nilang si Aïssa Mandi.
Sa kabila ng insidente, nakapagtala si Messi ng hat-trick na nagbigay ng panalo sa Argentina, 3-0.
Kasama rin sa reklamo ang hindi naparusahan na siko ni Alexis Mac Allister laban kay Ibrahim Maza sa ikalawang half, na ayon sa Algeria ay malinaw na dapat tinignan ng VAR.
Binanggit ng FAF na ang mga insidente ay nagdulot ng kawalan ng tiwala sa officiating standards ng torneo.
Samantala, nananatiling nakatuon ang Argentina sa kanilang susunod na laban kontra Austria, habang ang Algeria ay maghahanda laban sa Jordan sa Hunyo 23.
















