-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng Italian Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin niya si Magdalena Frech ng Poland sa tatlong sets 6-0, 3-6 at 6-4.

Naging maganda ang simula ng first set subalit pagpasok ng ikalawang set ay doon na bumawi ang Polish tennis star.

Pagpasok ng ikatlong set ay doon na naging matinding laro na ipinakita ng 20-anyos na si Eala hanggang makalusot ito.

Humanga naman si Frech sa ipinakitang galing ni Eala kung saan hindi aniya matatawaran ang galing nito.

Susunod na makakaharap ng World number 42 na si Eala si World number 33 na si Wang Xinyu ng China na nakakuha ng bye sa unang round.