-- Advertisements --

Handang-handa na si Pinay tennis star Alex Eala sa paghaharap niya kay Oleksandra Oliynykova ng Ukraine para sa ikalawang round ng US Open.

Gaganapin ang paghaharap ng dalawa ng 12:40 ng hatinggabi ng Biyernes, Setyembre 4.

Layon ni Eala na makabawi kay Oliynykova dahil tinalo siya nito noong nagharap sila nitong Mayo sa Strasbourg Open sa France.

Magugunitang tinalo ni Eala sa First Round ng US Open si Mary Stoiana sa score na 6-1 at 6-2.

Target din ni Eala na mahigitan ang performance niya noong nakaraang taon kung saan hanggang Round 2 lamang siya sa US Open.