-- Advertisements --
Nabigo sa unang round ng US Open si Novak Djokovic.
Hindi ito nakaporma kay Mariano Navone ng Argentina sa score na 7-6 (5), 5-7, 4-6, 6-2, 6-1.
Umabot sa apat na oras at 36 minuto an glaro ng dalawa.
Itinuturing din na ito ang pinakamahabang opening match sa Grand Slam sa career ni Djokovic at pinakamaagang pagkatalo sa loob ng dalawang dekada.
Mula pa kasi noong 2006 ay hindi pa ito natatalo sa unang round ng US Open.
Nagtala si Djokovic ng 70 unforced errors kung saan nag-medical timeout ito sa pagitan ng fourth at fifth sets.
Maagang nakalamang ang Serbian world number 4 sa laro subalit hindi naman nagpatinag ang 25-anyos na Argentinian tennis player.
Ito ang unang five-set victory ni Navone habang pang-43 na five set panalo sana ni Djokovic.














