-- Advertisements --

Nakataas na sa Alert Level 4 ang alert status ng Taal Volcano.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumitindi pa kasi ang eruptive activity ng main crater ng bulkan.

Kaugnay nito, ipinayo ng ahensiya ang total evacuation.

Magiging mapanganib din ang paglapit sa bulkan sa layong 14-kilometer radius mula sa main crater nito.

Samantala, nakaranas ng magnitude na 2.5 lindol ang Tagaytay City habang magnitude 3.9 na lindol sa Alitagtag, Batangas nitong Linggo ng umaga.

Naitala rin ng PHIVOLCS na umabot na sa Quezon City ang ashfall at posibleng aabot din ito sa ilang bahagi ng Northern Luzon.