-- Advertisements --

Suportado ni Albay Rep. Joey Salceda si Pang. Ferdinand Marcos Jr., na mayruon ng pangangailangan na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution ng sa gayon magiging competitive ang bansa at makahikayat ng mas maraming foreign investment.

Binanggit ni Salceda ang mga naunang pahayag ng Pangulo sa isang panayam kung saan sinabi niyang kailangang baguhin ang mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon dahil hindi ito isinulat para sa isang globalisadong mundo at hindi na angkop para tugunan ang kasalukuyang mga hamon.

Sinuportahan ni Salceda ang mga opinyon ng Pangulo, idinagdag na ang Pilipinas ay hindi nagbukas sa dayuhang pamumuhunan at naungusan na ng mga kapitbahay sa Southeast Asia sa mga tuntunin ng pag-unlad at pagiging mapagkumpitensya.

“Iyong ba talaga ang ano nila, hindi ba dapat ang debate nakakaganda na ito, okay sa ba inyo iyong Constitution na ito, na sarado ang Pilipinas napag-iiwanan ka. Ano nalang ba ang hindi natin mahabol, Cambodia iniwanan na tayo in five years.

Dati una tayo diyan sa Thailand, naiwanan tayo,” pahayag ni Salceda.

Dagdag pa ng ekonomista ng mambabatas, “Make a new Constitution, naiiwanan tayo ng isang country. Eh sabihin na nating walang mali sa Constitution… ang problema, iyong ibang countries may ginawang tama – nagbukas sila partikular ang mga repormang ipinatupad ng Cambodia.”

Ang mga bansa sa Southeast Asian country ay pinagtibay ang pagdaragdag ng halaga sa agriculture sector at nagbebenta ng mga manufactured and processed products.

Ayon kay Salceda, ang paghihigpit sa pagmamay-ari ng lupa, public utilities, natural resources, franchise, edukasyon, mass media, at practice of profession ay humahadlang sa mga pamumuhunan na nakakaapekto sa pag-unlad.

“Tulad din iyan dito sa lupa, hindi ka mag-i-invest sa lupa dahil hindi naman sa iyo. Kaya nga nagkaroon ng land reform ‘di ba? Kasi nga, hindi naman kanila, sa tiller kung hindi sa land owner. Tingnan mo ‘yan ha, pero iyong sa atin, okay – advertising, private land. In short, all the inputs to innovation and competitiveness, sinara natin, pahayag ni Salceda.”