Kakalas na ang koponan ng Alaska sa Philippine Basketball Association makalipas ang 36 taon.
Inanunsyo ito ng Aces ngayong araw sa isang statement.
Ayon sa governor ng koponan na si Dickey Bachmanm, tatapusin pa rin naman nila ang ongoing PBA Governor’s Cup, kung saan ang Aces ay kasalukuyang nasa sixth spot bitbit ang 3-2 win-loss card.
Ayon kay AMC chairman Fred Uytengsy, mahaba at masinsinan nilang pinag-isinapan ang desisyon na ito.
Pero kailangan aniya nilang kumalas na sa PBA para i-refocus ang kanilang resources sa kanilang negosyo.
Mababatid na isa ang Alaska sa mga koponan sa liga na marami na ang naiwuing kampeonato.
Sa kabuuan, 14 championships ang mayroon ang koponan, kabilang na ang grand slam feat nila noong 1996 sa ilalim ng gabay ni coach Tim Cone.
Mayroon din silang 31 finals appearances at naging tirahan ng mga basketball legends tulad ninan Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa, Jeff Cariaso, at Sonny Thoss.