-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng isang eksperto ang “wave” sa mga kaso ng COVID-19, na sentro ng usapin ngayon dahil sa anunsyo ng Department of Health (DOH).

Nitong araw nang sabihin ni Health Sec. Francisco Duque III na nasa ikalawang wave na ng COVID-19 transmission ang Pilipinas.

Ayon kay Dr. John Wong, isang public health expert at epidemiologist, ang teknikal na depinisyon ng “wave” ay pagtaas at pagbaba ng mga kaso ng coronavirus.

Itinuturing raw na first wave ang mga unang kasong naitala noong Enero na pawang Chinese nationals.

“In January we had just a few cases, these are imported cases from Chinese tourists. I think only about three cases, so it was a slight rise followed by a fall. And then it was quiet in February.”

Nang pumasok ang Marso, unti-unti raw tumaas ang mga kaso hanggang makapagtala ng record high na bilang ng confirmed case sa loob lang isang araw.

Ang 538 confirmed cases na naitala noong katapusan ng March ang naging hudyat ng pagpasok ng ikalawang wave, na itinuturing na “first major wave.”

“We’re now in the throne or the lower part of the second wave. So what we want to avoid is (from) ECQ when we shift to GCQ, we will have another peak or several more peaks. So we have to try to postpone third or subsequent waves.”

Naniniwala si Dr. Wong, na miyembro rin ng Inter-Agency Task Force sub-Technical Working Groip, na nakatulong ang ipinatupad na enhanced community quarantine noong kalagitnaan ng Marso para hindi na umabot sa lagpas 538 ang peak ng COVID-19 cases.

Kung maaalala, una nang sinabi ng DOH na may senyales na ng curve flattening o pagbagal ng pagkalat ng sakit dahil sa improvement ng health systems capacity ng bansa sa COVID-19.