Nagdadalamhati ngayon ang actress na si Aiko Melendez matapos ang pagpanaw ng kaniyang stepfather na si Dan Castaneda matapos dapuan ng COVID-19.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan nilang mag-ama noong ito ay bata pa.

Sinabi nito na natulog siyang umiiyak at nagising na umiiyak pa rin.

Kuwento pa nito na anim na taon pa lamang nito ng ikasal ang ina nitong si Elsie sa step dad niyang si Dan.

Nanawagan na lamang ito sa mga fans na huwag isawalang bahala ang banta ng COVID-19 dahil ito ay talagang nakakamatay.

-- Advertisement --