Naghain na ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang aktres na si Aiko Melendez at aktor na si Bobby Andrews na tatakbo bilang pagka-councilor sa Quezon City.
Si Melendez ay dating konsehal ng 5th district ng Quezon City at muling nag file ng kaniyang kandidatura matapos ang halos 11 isang taon na pamamahinga sa pulitika.
Inihain ni Melendez ang kaniyang COC sa Elements Tent sa Quezon City, siya ay sinamahan ng kaniyang boyfriend at political handler na si Zambales vice governor Jay Khonghun.
Una ng inanunsiyo ni Melendez na tatakbo siya pagka Kongresista subalit nagbago ang isip nito.
Sinabi ng aktres na mas marami ang nag-uudyok sa kaniya na tumakbo bilang kongresista.
Aniya, siyam na taon siya naging konsehal at na experience na rin niya ito kaya gusto sana niya na mag-level up sa public service.
Sa kabilang dako, naghain din ng kaniyang COC ang aktor na si Bobby Andrews na tatakbo bilang konsehal sa 4th District ng Quezon City.
Naghain din ng kaniyang certificate of candidacy ang dating aktor na si Yul Servo bilang vice mayor ng Manila City.
Si Servo ay tatakbo sa ilalim ng partido ni incumbent Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, na tatakbo bilang mayor sa 2022 election.
Siya ang kasalukuyang incumbent ng 3rd district representative ng Manila na maaari pa sanang tatakbo para sa iisang term pa.
Sinabi ni Servo na napagkasunduan ng partido na tatakbo na lang siya bilang vice mayor.