-- Advertisements --

Inaasahan ni Ferdinand R. Marcos Jr. na ang mga pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay gagawa ng isang agresibong pagsulong upang muling pasiglahin ang ekonomiya ng rehiyon matapos na mabugbog ng maraming headwind sa nakalipas na ilang taon.

Inihayag ng Pangulo na ang agenda ng summit ay nakatuon sa paggawa ng rehiyon na isang “locomotive na pandaigdigang ekonomiya” at kasabay nito ay muling pasiglahin ang ekonomiya ng rehiyon.

Binigyang diin ng chief executive ang kamakailang direksyon na ginawa ng European Union (EU) at iba pang pandaigdigang ekonomiya na lumiliko patungo sa Asya, dahil ang rehiyon ay lumilitaw ngayon na mas mahusay.

Dagdag pa ng Pangulo na nakatakda siyang magkaroon ng bilateral meetings kasama ang mga pinuno ng Vietnam, Lao PDR, at Timor Leste sa sideline ng kanyang pagdalo sa ASEAN Summit.

Ang Timor-Leste, na dumalo sa ASEAN Summit sa unang pagkakataon bilang observer, ay sumusulong sa pagiging miyembro, aniya, na binanggit ang kahalagahan ng pagkilala sa pinuno nito kabilang ang Vietnam at Lao PDR.

Ibinunyag din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kaniyang hikayatin ang kanyang mga kapwa lider sa Southeast Asia sa 42nd ASEAN Summit na humanap ng paraan para itulak ang finalization ng Code of Conduct (COC) sa West Phl Sea (SCS) para mabawasan ang tensyon sa pinagtatalunang teritoryo.

Sabi Pangulo kapag walang code of conduct na mapagkasunduan ay hindi kakalma ang isyu sa West Phl Sea.

Dagdag pa ng Pangulo na ang pagkakaroon ng isang COC ay magpapalinaw sa mga bagay-bagay at mabawasan ang posibilidad ng mga maling kalkulasyon.