CEBU CITY – Nilinaw ni Siquijor Governor Zaldy Villa na walang local transmission ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kanilang lalawigan.
Ito’y kahit nakapagtala na ng dalawang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Siquijor kasabay ng unang araw ng Agosto kahapon.
Sa statement na inilabas ni Governor Villa, ang mga nagpositibo aylocally stranded individual (LSIs) na nanggaling sa Manila na nakarating sa isla kamakailan lamang.
Dahil dito, nagpatupad na ng mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus.
“Among gikasubo sa tanan nga naay nakasulod nga COVID-19 positive sa atong isla, kini bisan pa tuod sa atong pagpaningkamot sa hugot nga pagpatuman sa health protocols. Ang isa taga lungsod sa Lazi ug ang isa, taga lungsod sa Larena nga gikan sa Manila. Atong klaruhon nga wala tay local transmission diri sa probinsya,” ani Villa.
Samantala, sa data ng Department of Heath-7 kahapon ay isa lang ang kumpirmadong kaso nito at kasalukuyang naka-admit ang nasabing pasyente.
Kung maaalala, naging “COVID free” na lugar ang Siquijor sa buong Central Visayas sa loob ng pitong buwan.