-- Advertisements --

jpscc1

Dumistansiya ang AFP at PNP sa sinasabing nasa 100 Facebook at Instagram accounts na may koneksiyon sa AFP at PNP.

Ito ay matapos binura ng Facebook Philippines ang mga nasabing accounts dahil sa paglabag umano sa panuntuhan nila.

Batay sa report, ang mga Facebook accounts ay tumatalakay sa isyu ng insurgency o sa komunistang NPA.

Siniguro naman ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan na mahigpit ang protocol ng PNP partikular ang cyber etiquette at ang pag-obserba sa proper decorum sa paggamit ng social media ng mga pulis.

Nilinaw naman ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay na walang tinanggal na Facebook account sa militar.

Sinabi ni Gapay aktibo pa ang kanilang mga official Facebook pages.

Gayunman, titingnan din aniya nila ang mga personal social media account ng mga sundalo.

Nakipagpulong kaninang hapon si Gapay sa Facebook Philippines CEO para talakayin ang nasabing isyu.

Samantala, ayon naman kay AFP spokesperson M/Gen. Edgard Arevalo na kanila ng inaalam ang nasabing report pero sa kanilang monitoring gumagana pa rin naman ang kanilang mga official social media accounts.

Sa panig naman ni PNP spokesperson Col. Ysmael Yu sinabi nito tumatalima ang PNP sa panuntunan sa pagpapatakbo ng social media accounts.

“We recognize social media as an effective tool that technology can offer, especially at this period of health emergency, to establish pro-active information and awareness activities,” wika pa ni Col. Yu.