-- Advertisements --

Umapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Korte ng Sul para maglabas na ng warrant of arrest laban sa siyam na mga dating Pulis na nasa likod sa pagpatay sa apat na Army Intelligence officers nuong nakaraang taon.


Ayon kay AFP Spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo, nais nilang mapanagot ang mga respondents sa kanilang kasalanan lalo na sa kasong kriminal ng sa gayon mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat nilang kasamahan.

Sinabi ni Arevalo na “unfortunate” na wala pang inilabas na warrant of arrest ang korte sa kabila ng pagsasampa online ng DOJ ng kaso sa Regional Trial Court ng Jolo noong January 4,2021 para sa multiple Murder laban sa mga akusado.

Tiniyak ni Arevalo na patuloy na makikipag-coordinate ang AFP sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para mabigyan ng hustisya ang mga pamilya ng apat na nasawing sundalo.

Siniguro ni Arevalo na sa oras na ilabas ang mga warrant of arrest, tutulong ang AFP sa pagsisilbi ng mga ito sa mga akusado.

Samantala, lubhang dismayado si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa pagpapalaya ng siyam na pulis na akusado sa pamamaril at pagpatay ng apat na sundalo.

Ito’y matapos na I-release ng PNP sa kani-kanilang mga pamilya ang 9 na pulis na nakaditini sa Camp Crame dahil sa kawalan ng kautusan mula sa korte na manatili sa piitan ang mga ito.

Una nang ipinaliwanag ng PNP na pinakawalan ang siyam na pulis na nasa kustodiya nila dahil wala nang hurisdiksyon sa kanila ang PNP matapos na masibak sa serbisyo ang mga ito, at wala pang warrant of arrest laban sa mga ito.