-- Advertisements --
VFA war exercises AFP SOldiers balikatan

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na susundin nila ang anumang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa Visiting Forces Ageeement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay matapos ianunsyo ng Malacanang na posibleng i-extend pa ng pamahalaan ng karagdagang anim na buwan ang pinal na pagpapatupad sa pagbasura sa kontrobersiyal na VFA.

Ayon kay AFP spokesperson M/Gen. Edgard Arevalo itinuturing ng AFP ang VFA bilang isang oportunidad para makapagsanay ang militar ng Pilipinas at Estados Unidos na kapwa pinakikinabangan ng dalawang bansa.

Ang VFA aniya ay bahagi ng 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US na nananatili pa ring epektibo.

Magugunitang pormal na inabisuhan ng Pilipinas noong Pebrero ang Estados Unidos na wawakasan na ang VFA, pero nitong Hunyo ay nag-abiso uli ang Pilipinas na suspendido ng anim na buwan ang pagpapatupad ng hakbang hanggang December 31, na maaring i-extend pa ng karagdagang anim na buwan.