Sinisikap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagpatuloy ang kanilang rotation and reprovision (RORE) mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) sa loob ng susunod na dalawang linggo.
Ito ay upang matiyak na nakatalaga ang mga tropa sa BRP Sierra Madre magkakaroon ng sapat na mga supply.
Sinabi ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng AFP, na istratehiya ng militar kung paano isasagawa ang misyon sa pagkakataong ito lalo na matapos ang pag-atake ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) laban sa mga supply boat nito noong weekend.
Aniya, ang kanilang layunin ay palaging siguraduhin na ang mga tropa sa nasbaing lugar ay may mga pagkain, inumin at iba pang mga supply na kailangan nila upang gawin ang kanilang gawain.
Kung matatandaan, noong Agosto 5, may kabuuang 11 Chinese coast guard, navy, at maritime militia vessels ang nagsagawa ng mga delikadong maniobra at nagpabuga pa ng water cannon sa dalawang AFP-manned boat at dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessel na nagsisilbing escort nito, ang BRP Malapascua at BRP Cabra, habang naghahatid ng mga suplay sa mga tropa na sakay ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Dahil dito, isa lamang sa dalawang supply boat ang matagumpay na naihatid ang mga supply sa tropa sa BRP Sierra Madre, ang outpost ng AFP sa Ayungin Shoal.
Una nang sinabi ng tagapagsalita ng AFP na ang itatakdang panibagong resupply mission ay susuportahan pa rin ng PCG.