Nakalatag na ang contigency plan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa gagawing repatriation para sa mga kababayan natin sa Israel na naiipit sa labanan sa pagitan ng Israeli forces at Hamas militants.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, nakahanda na sila para ipatupad ang evacuation operations para sa mga Pilipinong nais ng bumalik ng bansa.
Siniguro ni Aguilar na whole of nation approach ang kanilang ipatutupad na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa conflict area.
Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Aguilar na kanilang unang tinukoy ang temporary safe haven kung saan dadalhin ang ating mga kababayan sakaling mag escalate ang kaguluhan.
Dalawang airport of embarkation naman ang tinukoy ng AFP para duon i-consolidate ang mga nais umuwi.
Sinabi pa ni Aguilar na dalawang C-130 at isang C-295 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang imobilize para sa nasabing evacuation operation.
Sa ngayon naghihintay na lamang sila ng direktiba mula sa mga concerned agencies.