Nagsagawa ng pre-sail conference ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon, Sabado April 6,2024 para sa nakatakdang inaugural Multilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) na gagawin sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Nagpulong ang mga pangunahing miyembro ng planning na mula sa AFP, Australian Defense Force, Japan Self Defense Force, at United States Indo-Pacific Command sa Headquarters, Western Command sa Puerto Princesa.
Layon ng pre-sail briefing upang tapusin ang mga plano para sa makasaysayang aktibidad na ito.
Binibigyang-diin naman ng Multilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) ang pangako na itaguyod ang internasyonal na batas habang isinusulong ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Isasagawa ang Multilateral Maritime Cooperative Activity gaya ng naval/maritime at air force units kung saan uunahin ang pagsunod sa mga internasyonal at domestic na batas kung saan tinitiyak ang kaligtasan ng nabigasyon at paggalang sa mga karapatan at interes ng lahat ng estadong kasangkot.
Ipapakita rin sa nasabing aktibidad ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo at pagtutulungan ng mga kalahok na pwersa.