Lubos na ikinalungkot ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panibagong insidente kung saan sumablay muli ang isinagawag airstrike kahapon ng tanghali sa Marawi City na ikinasawi ng dalawang sundalo ang sugatan habang 11 ang sugatan.

Ayon kay Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo, bagamat iniimbestigahan na ang insidente, kanila namang tiniyak ang pag asikaso sa mga kamag-anak ng mga sundalong nasawi at nasugatan dulot ng sablay na airstrike.

May binuo na ring investigating body ang AFP para imbestigahan ang insidente nang sa gayon matukoy ang circumstances bunsod ng sablay na airstrike.

Ito ang ikalawang insidente kung saan sumablay ang isinasagawang airstrike kahapon.