-- Advertisements --

Mabilis na pumasa sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Mula sa naturang ranggo, itinaas na siya bilang pinakamataas na heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at gaganap sa tungkulin bilang Armed Forces Chief of Staff.

Si Sen. Panfilo Lacson na retiradong heneral at CA vice chairperson ng committee on national defense ang siyang nag-preside sa public hearing para sa appointment ni Gapay.

Maliban sa pinuno ng AFP, itinaas din ang ranggo ng halos 30 opisyal ng militar.

Kabilang sa mga ito sina Lt. Gen. Jose Faustino Jr., Lt. Gen. Franco Nemesio Gacal, Maj. Gen. Gilbert Saret at Maj. Gen. Alfredo Rosario Jr.