Tiniyak ng PNP at AFP na hindi na mauulit ang Jolo fatal shooting incident kung saan napatay ng siyam na pulis ang apat na sundalo.
Ang pagtiyak ay ginawa matapos magpulong si PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan at AFP Chief Gen. Gilbert Gapay sa isinagawang National Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) meeting sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay PNP Chief, pinagusapan nila Gen. Gapay ang pinalakas na kooperasyon sa intelligence operations para maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.
Tinalakay din aniya nila ang posibilidad na magkaroon ng Joint Simulation exercises para mas mapag-tibay ang “brotherhood ng PNP at AFP.
Sa panig naman ni Gen. Gapay ang pagpupulong ng AFP at PNP ay naging magandang pagkakataon para ma-improve ang kanilang “interoperability”.
Tiniyak pa ni Gen. Gapay na “committed” ang AFP na laging suportahan ang PNP sa pagtugon sa mga isyu sa kapayapaan at seguridad ng bansa.