-- Advertisements --

CAUAYAN CITY-Nanatiling mataas ang admission ng COVID-19 patient sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City, Cagayan kung saan pumalo na sa 34 ang confirmed COVID-19 positive habang 26 ang suspect case.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC sinabi niya na naitala ang 13 confirmed case ay mula sa Tuguegarao City, apat sa Amulung Cagayan; dalawa sa bayan ng Baggao, tig-iisa sa mga bayan ng Gataran Iguig, Tuao,Solana, Penabalanca, at Piat sa Cagayan.

Pitong positibo sa COVID 19 ang naitala naman sa Isabela kung saan 4 ang mula sa Ilagan City; tig-iisa sa mga bayan ng Palanan,San Mariano at Luna.

Nakapagtala rin ng tig-iisang positibong kaso mula sa Flora, Apayao, at Dilasag, Aurora.

Ang mga positibo sa COVID-19 ay kasalukuyang nasa Isolation COVID-9 ward ng CVMC.

Sa kabila ng tumataas na admission ng COVID-19 patients ay ikinagalak ng CVMC na wala pa ring naitatalang positibong kaso ng COVID 19 sa mga evacuation center mula sa Cagayan at Isabela sa kabila ng ilang paglabag sa health protocols sa loob ng mga evacuation center.

Nagpasalamat rin ang pamunuan ng CVMC dahil sa kabila ng malawakang pagbaha na humagupit sa Lalawigan ng Cagayan ay nanatiling maayos ang operasyon ng ibat ibang pasilidad ng pagamutan.