ECQ GCQ
-- Advertisements --

Posibleng magkaroon ng adjustment sa quarantine classification ng ibang mga lugar sa bansa partikular ang mga kasalukuyang nasa modified general community quarantine (MGCQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil ipinakikita ng mga kasalukuyang datos ang pabababa ng trend para sa onset ng mga bagong kaso at humahaba na rin ang doubling rate nito.

Ayon kay Sec. Roque, kaya matapos ang June 15 ay posible ng uluwag ang community quarantine sa ibang mga lugar sa bansa.

Pero pagdating sa Metro Manila, mahigpit pa rin ang gagawing pag-aaral ng pamahaalan dito bago ang pinal na desisyon.

Inihayag ni Sec. Roque, iba pa rin kasi ang datos pag Metro Manila na ang pina-uusapan kaya mas magiging mahigpit ang pagtutok at pag-aaral dito ng pamahalaan para malaman kung bababa ba sa MGCQ ang klasipikasyon nito sa June 16.

-- Advertisement --

Ngayong linggo aniya inaasahan ang muling pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa mga bagong klasipikasyon ng community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa, para sa susunod na linggo.