Pinasalamatan ng actress at vlogger na si Kristel Fulgar ang kaniyang mga fans at social media followers.

Ito ay matapos na gawaran siya ng video-sharing site na YouTube ng dalawang Gold Creator award.

Ang nasabing award ay ibinibigay ng YouTube sa mga nakakakuha ng mahigit na 1-million na channel subscriber.
Sa kaniyang Instagram post, ipinakita nito ang dalawang award.

Pumalo na kasi sa mahigit 1.52 million ang subscriber nito sa YouTube.

Hindi nito akalain na makakakuha ito ng ganoong karaming mga subscriber at fans.

Dagdag pa nito na gumagawa ito ng mga video para ma-inspire ang mga nanonood ng kaniyang channel.