Todo kilig ang fans nina Kristel Fulgar at ng kanyang South Korean husband na si Suhyuk Ha matapos ibahagi ng aktres ang kanilang romantic photoshoot sa Paris, France — ang tinaguriang “City of Love.”
Sa Instagram post ni Kristel, makikitang kuha ang mga larawan sa harap ng Eiffel Tower, na kinunan ng Nice Print Photography. “Paris hits different this time,” saad niya sa caption.
Bago tumuloy sa Paris, nag-honeymoon muna ang mag-asawa sa Venice, Italy.
Matatandaan na ikinasal sina Kristel at Suhyuk sa isang church wedding sa South Korea noong nakaraang linggo, matapos nilang ianunsyo ang kanilang engagement noong Pebrero.
Unang bumisita si Suhyuk sa Pilipinas noong Marso. Sa isang vlog noong Nobyembre 2024 kung saan ibinunyag ni Kristel na naging opisyal ang kanilang relasyon matapos mag-convert ni Suhyuk sa Iglesia ni Cristo.