Kinumpirma na ng actor na si Romnick Sarmenta ang relasyon nila ng indie actress na si Barbara Ruaro.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account, nagpost ito ng sketch ng mukha ng babae na kahalintulad ng actress.

May mahabang caption ito kung saan sa comment section ay inamin ng 48-anyos na actor kung sino ang babae na kaniyang inilarawan.

Hiniling din nito sa mga fans na respetuhin na lamang niya ang bagong lovelife niya.