-- Advertisements --
viber image 2022 05 15 20 24 30 043

Sigurado nang madadagdagan pa ang bilang ng mga kinatawan ng ACT-CIS sa House of Representatives matapos makakuha ng halos 6 percent na sa total number ng mga boto sa party-list race.

Pumapangalawa naman ang1-Rider groups base sa pinakahuling partial at official canvassing results ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC).

The Commission on Elections (Comelec), sitting as the NBOC, canvassed the votes of the senators and party-list groups from automated election system and overseas voting.

Base sa National Tally Sheet Report Number 4 ng NBOC, narito ang mga party-list groups na leading sa listahan:

  1. ACT-CIS – 2,065,408 (5.8270)
  2. 1-Rider Partylist – 988,435 (2.7886)
  3. Tingog – 871,237 (2.4580)
  4. 4PS – 822,347 (2.3200)
  5. Ako Bicol – 812,620 (2.2926)
  6. Sagip – 769,485 (2.1709)
  7. Ang Probinsiyano – 697,070 (1.9666)
  8. Uswag Ilonggo – 687,481 (1.9395)
  9. Tutok to win – 669,218 (1.8880)
  10. Cibac – 628,078 (1.7720)
  11. Senior Citizens Partylist – 598,985 (1.6899)
  12. Duterte Youth – 575,717 (1.6242)
  13. Agimat – 569,403 (1.6054)
  14. Kabataan – 526,815 (1.4863)
  15. Marino – 484,572 (1.3671)
  16. Ako Bisaya – 474,444 (1.3385)
  17. Probinsyano Ako – 464,245 (1.3097)
  18. Abanta Pangasinan-Ilokano Party – 450,350 (1.2705)
  19. LPGMA – 447,687 (1.2630)
  20. Gabriela – 413,901 (1.1677)

Una rito, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang partial results ay mula sa 149 certificates of canvass (COCs) na na-canvass na ng NBOC.

Nasa batas na ang party-list group na makakakuha ng 2 percent ng total number ng boto para sa party-list race ay agad magkakaroon ng isang upuan sa House of Representatives.

Ang mga lumagpas naman sa 2 percent threshold ay entitled ng karagdagang upuan pero hindi ito dapat lumagpas sa tatlo.

Sa mga hindi naman naabot ang 2 percent requirement ay may tyansa pa rin namang maka-secure ng upuan sa House of Representatives.

Base kasi sa party-list law dapat ay 20 percent ng mga House members ay mula sa party-list ranks.

Sa ngayon, nasa 159 mula sa 173 COCs mula sa iba’t ibang probinsiya, cities at overseas voting ang na-canvass ng NBOC.