Alaska Aces
Alaska Aces/ PBA image

Ginulat ng Alaska Aces ang Meralco Bolts sa kanilang paghaharap 93-89 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Naging bida sa panalo si Chris Banchero na nagtala ng 23 points habang mayroong 17 points at anim na rebounds si Vic Manuel.

Itinuturing naman ni Aces coach Alex Compton na isang hamon ang laban nila dahil nasa foul trouble na ang kanilang import na si Chris Daniel na nagtala lamang 12 points at pitong rebounds.

Dahil sa panalo ay mayroong apat na panalo at dalawang talo habang ang Bolst ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo.