Kinontra ng mga abogado ni dating US President Donald Trump ang hiling ng mga mamamahayag na ipalabas ang pagbasa ng kaniyang sakdal.
Mula sa Florida ay nasa New York na ang dating pangulo ng US para dumalo sa pagdinig sa kasong pagbabayad niya umano sa isang adult actress.
Sa sulat na ipinadala ng mga abogado ni Trump kay New York Supreme Court Judge Juan Merchant na magkakaroon ng lamang na parang circus sa loob ng korte kapag mayroong mga magko-cover na media.
Binanggit din nila na ang nasabing kaso ay may malaking security concern na dapat bigyan ng prioridad.
Paliwanag naman ng Manhattan District Attorney na nilimitahan lamang nila ang mga media organizations na magko-cover para maging transparent aniya ang gagawing pagdinig sa kaso ng dating US President.
Nauna rito ay kumuha ng bagong abogado si Trump at ito ay sa katauhan ni Todd Blanche.
Si Blanche ay siya na ring nagrepresenta sa campaign manager ni Trump na si Paul Manafort at Igor Frunman.
Makakasama nito ang ilang mga abogado ni Trump na sina Joe Tacopina at Susan Necheles.
















