Mayor Abby Binay FB Post
Mayor Abby Binay FB Post

Naiproklama na ng Makati City Boad of Canvassers si incumbent Mayor Abby Binay matapos nitong talunin ang sariling kapatid na si dating Mayor Jun-jun Binay.

Batay sa final and official result, nakakuha si Mayor Binay ng 179,522 votes kumpara sa 98,653 na nakuha ng kapatid.

Pero sa kauna-unahang pagkakataon, natalo naman sa Makati City si dating Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa kanyang congressional bid laban kay Kid Peña.

Si Jojo Binay ay tatay ng naglabang magkapatid na Abby at Jun-jun.