Tiniyak ni Agriculture Sec. William Dar na magkakaroon na ng mga adjustment sa mga checkpoints para mapabilis ang delivery ng mga supply ng pagkain gaya ng mga agricultural products, isda at karne sa mga supermarkets at iba pang mga pamilihan.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Sec. Dar na mayroon ng direktiba ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa PNP at AFP na nasa mga checkpoints na tiyaking walang hadlang at sagabal sa movement ng mga cargo.
Ayon kay Sec. Dar, magkakaroon pa rin ng mga random checking para matupad ang mga protocol sa strict quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.
Ang naturang patakaran sa mga cargo at food deliveries ay nakapaloob sa Memorandum Circular No. 7 noong March 17, 2020 na inadopt ng task force.