-- Advertisements --
image 190

Aabot na sa 95% hanggang 96% Sim card users ang nakapagparehistro na alinsunod sa Sim card registration law.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy, katumbas ito ng 95 million o halos 96 million base sa datos noong Mayo 10.

Inaasahan aniya na humigit kumulang sa 100 million na bilang ng registrants ang makapagpatala ng kanilang sim cards.

Una ng sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na hindi target ng gobyerno na mairehistro ang 100% registration mula sa kabuuang 168 million Sim owners.

Base kasi sa karanasan sa ibang bansa na nagpatupad ng Sim registration, ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Paolo Salvahan na tanging nasa 70% lamang ang average na porsyento ng mga registered subscribers.

Sa ngayon, mayroon pang pagkakataon ang mga hindi pa nakapagpatala ng SIM card hanggang sa deadline sa Hulyo 25, 2023 matapos na palawigin pa ng 90 araw ang Sim registration period.