Nanguna si Marcus Morris Sr. sa kanyang season-high na 33 points habang si Paul George ay nagdagdag ng 32 para iangat ang Los Angeles Clippers sa laban kontra sa Detroit Pistons, 131-124.

Ito na ang ikatlong sunod na game ng Clippers (37-18) na nagpapakita si George ng 30 puntos o higit pa.

Nagpasok naman si Morris ng anim na 3-pointers para lumampas na siya sa 1,000 sa kanyang career points.

Sa panig ng Pistons (16-38) sina Josh Jackson ay nagtala ng 26 points at si Saddiq Bey ay nagtapos sa 25.