-- Advertisements --

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang special permits para sa 20 buses para mabawasan ang trapiko sa bahagi ng Light Rail Transit Line 2 (LRT2).

Ayon sa LTFRB na ang 10 bus ay biyaheng mula Antipolo-Legarda at dadaan sa Marcos Highway, E. Rodriguez at Espana Boulevard.

Habang ang 10 iba pa ay babiyahe mula Antipolo hanggang Cubao at dadaan sa Marcos Highway at P.Tuazon.

Sinabi ni LTFRB acting chairman Atty. Greg Pua Jr. na ang special permits ay inilabas para sa mas maraming pampublikong transportasyon ang pagpipilian ng publiko dahil sa marami ang pasahero na gumagamit na ng LRT2.

Magugunitang noong nakaraang mga araw ay nagsagawa ang Department of Transportation (DOTr) ng trial run sa 20-bus para mabawasan ang dami ng pasahero sa kahabaan ng LRT2.