-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Tom Skerritt sa edad na 93.

Ayon sa kampo nito na dahil na rin sa edad at natural na dahilan ang kamatayan nito.

Nakilala siya sa ilang mga pelikula gaya ng “Alien”;”Top Gun”, “Steel Magnolias” at iba pa.

Nakasama rin ang aktor sa ilang mga US TV show gaya ng “MAS*H”, “Bonanza “, “Gunsmoke” at maraming iba pa.

Huling pelikula na kaniyang nagawa ay ang “Broke” noong 2025.