-- Advertisements --

Pinaigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paghahanda sa El Niño sa pamamagitan ng mobile water treatment units at water tankers upang matiyak ang suplay ng malinis na inuming tubig sa mga apektadong komunidad.

Ayon sa DSWD Disaster Response Management Bureau, nakapuwesto na sa iba’t ibang rehiyon ang mga mobile treatment unit.

May kapasidad namang magproseso at mamahagi ang dalawang water tanker ng hanggang 2,500 litro ng malinis na tubig kada oras.

Makikipag-ugnayan din ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan at health office upang matiyak na ligtas ang mga pinagkukunan ng tubig bago Ito iproseso at ipamahagi.

Bukod dito, pinag-aaralan ng ahensiya ang paggamit sa mga small water impounding project sa ilalim ng project lawa bilang karagdagang suplay ng tubig sa mga komunidad na posibleng maapektuhan ng tagtuyot.