Pumirma na ng contract extension si Jalen Duren, ang nagsisilbing star center ng Detroit Pistons.
Ang naturang kontrata ay nagkakahalaga ng $200 million.
Dalawang lingo bago nito ay inalok ng Detroit ang bigman ng $200 million matapos mag-alok ang iba pang NBA teams ng kani-kanilang offer para kay Duren na kasalukuyan noong restricted free agent.
Kinalaunan, tinanggap din niya ang alok ng Pistons at inaasahang magiging bahagi muli siya ng starting five ng koponan sa nalalapit na pagsisimula ng NBA ngayong buwan.
Hawak ng naturang sentro ang career-high average nitong nakalipas na season na umabot sa 19.5 points per game at 10.5 rebounds per game. Nagagawa niya ito sa pamamagitan ng 65%.
Sa naturang season, umabot sa 2nd round ng Playoffs ang Detroit.
Ayon kay Pistons head coach J.B. Bickerstaff, inaasahan pa rin ng koponan na mas gaganda ang performance ni Duren sa hinaharap sa ilalim ng basketball program ng Detroit.
















