Kasabay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw, Pebrero 25, binigyang-diin ni Liberal Party (LP) Chairperson at Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima na hindi sapat ang paggunita lamang, bagkus ay kailangan ng kongkretong aksyon upang maprotektahan ang demokrasya ng bansa.
Sa isang pahayag, inihayag ng mambabatas na sa kabila ng apat na dekadang nakalipas matapos ang makasaysayang bloodless revolution, patuloy ang pag-usbong ng mga panibagong banta sa kalayaan.
Pinaalalahanan din ng dating senador ang publiko na tila nagiging malayong alaala na lamang ang diwa ng EDSA para sa ilan, lalo na’t apelyidong Marcos muli ang nakaupo sa pagkapangulo at may mga pulitikong sumasalungat sa pananagutan.
Bilang pagtatapos, nanindigan ang partido na ang pag-alala sa EDSA ay isang panata upang ipagtanggol ang rule of law.















