Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes ang pagtanggap nila sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa state of national calamity kasunod ng mga pinsala ng Bagyong Tino at bilang paghahanda sa papasok na Bagyong Uwan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang deklarasyon ay magpapabilis sa mobilisasyon ng mga pondo at resources ng gobyerno para sa mabilis na pagtugon sa mga apektadong lugar.
Idinagdag niya na titiyakin ng deklarasyon ang mabilis na pag-release ng Quick Response Fund (QRF) mula sa Department of Budget and Management (DBM), at kasalukuyan nang inihahanda ang ika-sampung replenishment ng pondo.
Matapos ang briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), inaprubahan ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ng state of national calamity para sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng Bagyong Tino, at bilang paghahanda sa Bagyong Uwan.
Sa ngayon, patuloy na nagmomonitor ang DSWD at handa na ang mga stockpile ng pagkain at non-food items para sa mga apektadong pamilya. (REPORT BY BOMBO JAI)















