Kinumpirma ni Sen. “Bong” Revilla Jr., na dinala sa ospital ang kanyang ama na si dating Sen. Ramon Revilla Sr. nitong hapon ng Linggo, Mayo 31.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ngunit hindi nabanggit ang dahilan.

Maging si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ay kinumpirma ang nasabing impormasyon.

Samantala batay sa ating nakuhang impormasyon, namataan umano sa St. Dominic Hospital sa Bacoor pero sinasabing inilipat sa St. Lukes Medical Center.

Kuwento ng ilang nakakita sa unang nabanggit na ospital, naka-wheelchair ang 93-anyos na si Revilla nang dalhin sa emergency room.