Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring salpukan ng isang tricycle at motorsiklo sa San Antonio, Bombon, Camarines Sur na nag-iwan ng siyam katao na sugatan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na patungo sana sa norteng direksyon na motorsiklo na minamaneho ni Mark Julius Vargas, 21, kasama ang dalawang backrider.

Ngunit pagdating sa sentro ng Bombon, aksidente nitong nabangga ang kasalubong na tricycle na may sakay na limang pasahero kasama ang driver na si Kevin Camacho, 19.

Kaugnay nito nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang lahat na sakay ng dalawang sasakyan na agad namang itinakbo sa ospital.

Napag-alaman ding parehong walang lisensya ang naturang mga drayber.