Patay ang siyam katao habang marami ang nawawala sa paglubog ng pampasaherong barko sa Democratic Republic of Congo.

Ayon sa mga otoridad na naka-recober na sila ng siyam na bangkay at 103 na survivors.

Hindi pa nila malaman kung ilang ang kabuuang bilang ng mga pasahero ng nasabing barko.

Tinatawag na isang “baleiniere” o “whaler” ang nasabing barko na mayroong haba ng hanggang 100 talampakan at lapad na hanggang anim na metro.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagsagip ng mga otoridad sa nasabing lumubog na barko.

-- Advertisement --