Isang tagumpay na naman ng Bombo Radyo Philippines ang aming ibinabahagi matapos mapili ang siyam (9) sa mga programa nito bilang mga finalist sa ika-28 Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Golden Dove Awards.
Isang prestihiyosong pagkilala na iginagawad ng KBP sa mga natatanging programa sa radyo at broadcast industry sa buong bansa.
Narito ang mga finalist mula sa Bombo Radyo Philippines:
• Best Newscast – National: Bombo Network News (BNN)
• Best AM Station – Provincial: Bombo Radyo Iloilo
• Best Newscast – Provincial: Bombo Radyo Iloilo
• Best FM Station – Metro Manila: Star FM Manila
• Best Special Program: Star FM Manila at Bombo Radyo Cauayan
• Best Culture and the Arts Program: Bombo Radyo Iloilo
• Best Science and Technology Program: Bombo Radyo Iloilo
• Best Sports Program: Star FM Baguio
Ang pagkakapili bilang finalist sa mga kategoryang ito ay patunay ng tapat na paninindigan ng Bombo Radyo Philippines sa paghahatid ng dekalidad, makabuluhan, at makapangyarihang mga programa.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang bunga ng sipag at dedikasyon ng mga tao sa likod ng mikropono, kundi alay din sa aming mga tagapakinig at manonood sa buong bansa at saan man sa mundo. Basta Radyo, Bombo!