-- Advertisements --

Halos 100 opisyal at indibidwal na ang kinasuhan dahil sa anomaliya sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 crisis.

Sa kanyang ika-siyam na report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na 408 indibidwal na ang naghain ng reklamo hinggil sa umano’y mga anomaliya sa distribusyon ng emergency cash subsidy sa ilalim ng SAP.

Sa naturang bilang, 83 opisyal at indibidwal aniya ang pormal nang sinampahan ng kasong kriminal habang ang nalalabi naman ay patuloy pang iniimbestigahan.

Ayon kay Pangulong Duterte, hanggang noong May 22 ay 17,458,076 o 97.35 percent ng nasa 18 million target beneficiaries ng SAP ang nakatanggap na ng P5,000 hanggang P8,000 cash subsidy mula sa pamahalaan.

Mula sa P100,687,930,350 disbursed amount, sinabi ni Panguylong Duterte na P98,638,638,300 na ang naipahatid sa mga benepisyaryo.

Ang naturang programa ay may budget allocation na P101,418,996,400.