-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng panibagong 8,147 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Mayroon namang naitalang 9,117 na bagong gumaling at 167 na bagong pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga recorded case sa bansa, 3.8% (60,887) ang aktibo, 94.4% (1,500,189) na ang gumaling at 1.76% (27,889) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang mga laboratoryo ang hindi operational noong Hulyo 29, 2021 habang mayroong isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos, sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryong ito ay humigit kumulang sa 1.8% sa lahat ng samples na nai-test.

Habang 1.6% naman iyon sa lahat ng positibong mga indibidwal.