KORONADAL CITY – Nakatakdang isasailalim sa operasyon ang 8-anyos na biktima ng pangagahasa sa lungsod ng Tacurong dahil sa natamong sugat sa pribadong parte nito matapos na makaligtas sa krimen.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Manong Jhonie, tiyuhin ni Alyas Inday ang 8-anyos na biktima ng pangagahasa, pinapanalangin nilang mag-anak na makakaya ng biktima ang operasyon dahil sa ngayon ay nasa ‘kritikal’ na kondisyon ito.

-- Advertisement --

Mismo rin raw umano ang biktima ang tumuro sa may kagagawan sa krimen.

Aniya, nararapat lamang na makuha nila ang hustisya dahil sa karumal dumal na sinapit ng kanyang pamangkin.

Samantala, nagpaalala naman ito sa mga magulang na kung bantayan ang kanilang mga anak na babae at huwag pabayaan kung saan saan pumupunta lalo na ngayong mga panahon upang hindi mabiktima ng masasamang tao sa palibot.

Kung maalala, namatay ang suspek sa Lock-up cell ng Tacurong PNP matapos na manlaban sa kapulisan.