-- Advertisements --

Walang pasahero ang nakaligtas matapos na magliyab ang eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang Lion Air West RPC 5880 Win 24 aircraft ay patungo sana sa medical evacuation mission sa Haneda, Japan nang ito ay biglang mag-apoy.

Ang mga pasahero ay kinabibilangan ng flight medic, nurse, doctor, tatlong flight crews isang pasyente at kasama nito.

Naapula naman ang sunog pasado alas-9:00 ng gabi kung saan isinara ang bahagi ng paliparan para mabigyang daan ang imbestigasyon mula sa Aircraft Accident Investigation Board ng Civil Aeronautics Authority of the Philippines.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing trahedya.

Sinasabing minimal lamang ang epekto sa operasyon ng NAIA lalo na at kanselado rin ang mga domestic flight.

Habang iilan na lamang ang mga international flights.